LISTEN: Michael Pacquiao, nagpabilib sa bagong rap song na ‘Pac-Man’

454
Instagram/@pacquiao.michael

Pinag-usapan sa social media si Michael Pacquiao matapos magpamalas ng talento sa pagra-rap.

Nag-trending ang ikalawang anak ng boxing legend at senador Manny Pacquiao nang madiskubre ng netizens ang binuo nitong kanta katulong ang kaibigang si Michael Bars.

Noong June 5 nang ilabas sa YouTube channel ni Pacquiao ang kantang “Pac-Man” –na inspired sa kanyang ama– na ngayon ay mayroon ng higit isang milyong views.

“Feeling myself / Get it together I never take L’s / Do it much better for me no one else / Leave me alone I be proving myself,” simula ng verse ni Pacquiao sa kanta.

Bago ang “Pac-Man”, naglabas na rin ng dalawang awiting pinamagatang “Beautiful” at “Only You” ang 18-anyos na Pacquiao.




Sinundan naman ito ng “Head in the Clouds” na isa pang collaboration nila ni Michael Bars at Lil Xay.