
Napa-“thank you, ambabait ninyo” ang mga residente ng Baseco Compound, sa Tondo, Maynila sa mga Aeta na namigay ng aginaldo, limang araw bago ang Kapaskuhan.
Suot ang pulang bistida at Santa Claus hat, namahagi ng libreng kamote ang mga katutubong nanggaling pa sa Capas, Tarlac.
Ang mga iniregalong masustansyang gulay, tinamin at inani mismo ng mga Aeta mula sa bundok.
INNITY ADS
Kuwento ng mga kakatubo, bahagi ito ng kanilang gift giving mission na natupad sa tulong ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Air Force (PAF).
Bukod sa magpasaya, layunin ng proyekto na mabago ang pananaw ng publiko na dumadayo lamang sila sa Maynila para mamalimos.
Aabot sa sampung libong kamote ang inihandog nila sa mga Manilenyo.