Libreng inumin para sa mga ‘kabit’, alok ng isang milk tea store

1479
Courtesy Nak Nam Fu-Cha

Dahil malapit na ang selebrasyon ng Valentine’s Day, samu’t-saring pakulo ang ibinibida ng mga establisyimento sa mga mag-asawa o magsing-irog.

Pero ang isang milk tea shop, may mabentang alok para sa mga lalaking may asawa, girlfriend, o “kabit”.

Nagdulot ng good vibes at hugot sa maraming netizen ang witty na promo ng tindahang “Nak Nam Fu-Cha”.

INNITY ADS

Batay sa mechanics ng promo na pinangalanang “Treat Your Kabit”, may isang libreng milk tea na makukuha ang sinumang bibilin ng extra large size na inumin.

Nagsimula ang nakatatawang promo noong Lunes, Pebrero 10 at tatagal hanggang Biyernes, Pebrero 14.




Biro pa ng “Nak Nam Fu-Cha” branch sa San Fernando, Pampanga sa mga customer, napapalibutan sila ng ospital, barangay hall, at presinto sa mga mabibistong may third party.

Bumuhos naman ng iba’t-ibang suhestisyon sa kung anong mainam na flavor ng ibinebenta nilang milk tea.

  

Pero paglilinaw ng pamunuan ng shop, katuwaan lamang ang pamagat ng promo at huwag masyadong dibdibin.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 15,000 reactions sa social media ang nasabing promo.