Larawan ng batang natutulog sa ibabaw ng gift wrappers habang hinahanap ng ina, kinagiliwan

19996
(Photo: Judah MJ Abonitalla)

Ikinatuwa ng netizens ang larawan ng isang batang nawala sa kalagitnaan ng pagwi-window shopping kasama ng ina sa isang home supply store sa Cagayan de Oro, na kalauna’y natagpuang natutulog lamang sa ibabaw ng mga gift wrappers.

Sa ibinahaging post ng ina ni Zacc na si Judah Abonitalla, nagtitingin-tingin raw siya kasama ang mga anak sa Mr. DIY Cogon habang hinihintay ang kaniyang asawa para sunduin sila.

Habang pinagmamasdan raw nila ang mga party decors, napansin umano nitong nawawala na ang 3-anyos na anak sa kinauupuan nito.

INNITY ADS

Pero sa kabila raw ng takot ay mahinahon pa rin niya itong hinanap kung saan natagpuan niya ang pares ng tsinelas ng bata.

Nawala ang pangamba ni Judah nang may nakakita raw kay Zacc na natutulog sa istante ng mga gift wrappers.




Tila himbing na himbing sa pagkakatulog si Zacc nang makita ng ina.

Marami naman ang natuwa sa bata na nagsabi pang cute and funny daw ito.

Mayroon ding nagsabi na ‘tulog is life’ daw para kay Zacc.