Lalaking namimiss ang pagko-commute, nag-ala pasahero sa loob ng banyo

704

Kinagiliwan sa internet ang mga larawan ng isang netizen na aminadong na-miss ang pagko-commute sa kalakhang Maynila.

Ipinost ni George Marcelo Montilla ang kaniyang litrato sa Facebook na tila nakatayo sa loob ng bus. Aakalain nagbibiyahe talaga ang lalaki dahil sa suot nitong sumbrero, jacket, shades, bag, at headset.

Agaw-pansin din ang pagkapit nito sa railing habang tumitingin sa cellphone na madalas gawin ng mga pasaherong nakikipagsiksikan sa pampublikong sasakyan.

INNITY ADS

Subalit ang viral na eksena, kinunan lang sa loob ng kanilang bahay. At para mistulang totoo ang pagko-commute niya, tumutong siya sa inidoro upang magmukhang nakatayo at kumapit naman ito sa sampayan na ginawa niyang hand rail.

Kuwento ni Montilla, naisipan niya itong gawin dahil nami-miss niya ang pagbabiyahe araw-araw mula Pasay City hanggang Parañaque City pabalik.




Kasalukuyan siyang naka-work from home at gumagawa rin ito ng vlog na nagsisilbing libangan niya.

“Yung mga maliliit na bagay na madalas natin i-take for granted, yung inis at bagot sa araw-araw na pila at pakikipagsiksikan, ngayon ay hinahanap na ng katawan natin,” tugon ni Montilla sa isang panayam.

Umani ng 7,000 shares at 2,100 likes sa social media ang nakatatawang post.