Kuwento ng magsasakang ‘di marunong sumulat, pumukaw sa puso ng netizens

4939
Courtesy Novica Tabaco

Napukaw ang damdamin ng netizens sa Facebook post ng isang empleyado ng Department of Agriculture sa Paete, Laguna hinggil sa isang magsasakang hindi na marunong magsulat.

Kuwento ni Novica Tabaco, nakiusap ang matandang lalaki na kung maari thumbmark na lamang niya ang ilagay sa dokumentong ibinigay ng staff.

Pag-amin ng kaawa-awang magsasaka, hindi niya kayang pumirma.

INNITY ADS

Ayon kay Tabaco, nadudurog ang puso niya sa kalagayan ng mga mambubukid na dumudulog sa tanggapan nila.

“Nag trabaho ako as HR Staff nagtrabaho din ako as Teller, ‘di ko mapigilan yung temper ko pag paulit ulit ako nag eexplain. Pero dito sa mga magsasaka, ‘di ko magawang magalit. At wala talaga ako karapatang magalit”, saad ng manggagawa.




Dagdag pa niya, umaani siya ng sobra-sobrang respeto sa mga kagaya nito.

“Kaya sa may mga magulang na magsasaka, mangingisda o magbubukid at maghahayop. Wag na wag po natin ikahiya.”

Hiling ni Tabaco sa mga kapwa-empleyado, huwag magalit sa mga taong hindi marunong magbasa o sumulat. Bagkus dapat silang unawain at tulungan.

Panawagan niya din sa gobyerno, sana taasan na lang ang presyo ng palay para sa ikabubuti ng mga magsasaka.