‘Kumakain ako sa CR’: Heart Evangelista kinuwento ang pambubully sa kaniya noon

993
Images via IG/@iamhearte

Bago maging sikat na artista at fashion icon sa bansa, naging biktima ng bullying si Heart Evangelista sa eskuwelahan.

Ikinuwento ni Evangelista, 34, ang mga pagsubok na pinagdaanan nang maging guest sa vlog ng social media influencer na si Mimiyuuuh.

Inupload ang naturang panayam sa Youtube channel ng internet sensation noong Biyernes, Agosto 9.

INNITY ADS

Ayon sa Kapuso star, tumigil siya sa pag-aaral at nagdesisyon na mag-home school dahil hindi na niya matagalan ang ginagawang pambubully sa kaniya ng ilang estudyante.

“Kaya rin ako nag-stop. Nag-home study ako kasi hindi ko na kayang kumain sa CR. Oo, kumakain ako sa CR,” pahayag ni Evangelista.




“Di nila ako bet, lalo na ‘yung mga higher batch,” dagdag pa niya.

Sinabihan rin umano ang kaniyang mga kaklase na layuan siya.

“Parang may line, ‘tapos doon sa… pag kunwari ako yung huling tao sa line, yung susunod sa akin may gap, ‘tapos dun ulit ila-line.

“Tapos inuutusan nung mga magagandang girls yung classmates ko na huwag didikit sa akin, ganyan.”

Tanong ng mga kasama ni Heart sa vlog, baka insecure sa kaniya ang mga taong nambubully noon.

“Hindi naman siguro. Charot! Hindi ko alam…” natatawang tugon ng aktres.

Matatandaang humingi ng paumahin ang isa sa mga “bullies” kay Heart noong 2018.

Screenshot via Heart Evangelista’s IG story