Guro, may handog na pizza at coke float sa mga estudyanteng nag-eexam

2203
Courtesy Ser Jun

Isang titser sa Zamboanga City ang kinabibiliban ngayon dahil sa kakaiba at nakabubusog niyang paraan sa pang-eengayo ng mga estudyanteng sumasailalim sa pagsusulit.

Sa dami ng coke float at pizza na nakalagay sa mesa ng gurong si Arnulfo Burlas Jr., aakalain mong may birthday celebration sa loob ng kaniyang silid-aralan.

Pero ang mga pagkaing nakalatag, motivation food pala ng mga mag-aaral habang nag-eexam.

Kuwento ni Burlas o kilala bilang Ser Jun sa paaralan, binili niya ito para hindi kabahan at ganahan ang klase niya.

At ang perang ginastos – galing mismo sa bulsa ni Ser Jun.

Sabi pa ng guro, epektibo naman ang naturang paraan dahil napansin niyang seryoso ang mga bata sa pagsagot ng testpaper – at may ngiti sa labi.