Magkakaibigan, may pamaskong pagkain para sa mga aso at pusa sa kalye

145
Courtesy Regie Manio

Naantig ang puso ng netizens sa kabaitan at malasakit na ipinakita ng isang magbabarkada sa mga pakalat-kalat na hayop sa kalsada.

Sa ngayo’y viral post, pinakain ni Regie Manio at kaniyang mga kaibigan ang mga aso at pusang nakikita nilang gumagala.

Ayon kay Manio, nakatikim ng animo’y maagang noche buena ang halos 200 ‘pusakal’ at ‘askal’.

INNITY ADS
Courtesy Regie Manio
Courtesy Regie Manio

“We saw different hungry strays and I wondered how they ended up in the streets. One dog even broke me in tears. There were many more who wagged their tails when they saw us approaching them with food,” pahayag ng netizen sa Facebook post niya.

Mahigit 100 pagkain ang direktang ibinigay ng grupo ni Manio sa mga nakitang hayop sa Las Piñas, Parañaque, Malabon, and Caloocan.




Courtesy Regie Manio

Kanin at halu-halong karne ang nasa loob ng ‘meal box’ nina bantay at muning.

“I hope we filled their stomachs as they filled our hearts with so much happiness ❤️,” mensahe pa ng concerned citizen. 

Ika nga sa awiting pinasikat ng OctoArts All Star noong dekada ’90, ang Pasko ay para sa lahat.