#Goals: Ipon ng lalaking nagsimula sa P100, lumago ng P73k

923
Courtesy Bert Ebora

Gusto mo bang makaipon ng maraming pera ngayong taon? Puwedeng gayahin ang pananaw ng isang netizen na “yes to ipon, no to iphone”.

Viral ngayon sa social media ang mantrang ito ni Bert Ebora matapos magtagumpay sa pagsabak sa “ipon challenge”.

Naging epektibo ang naturang mindset dahil sa loob lamang ng isang taon, umabot sa P73,400 ang perang naipon niya.

INNITY ADS

Kuwento ni Ebora, araw-araw siyang naghuhulog ng P100 sa alkansiya at P1,500 naman ang nilalaan niya tuwing sahod.

Hindi niya umano napansing lalago ng malaki ang maliliit na halagang hinuhulog.




“Tamang disiplina lang. Huwag bumili ng mga bagay na di naman masyado kelangan,” payo niya sa mga taong gustong makapag-impok sa 2020.

Kailangan rin umano na committed at seryoso ka sa iyong #ipongoals para siguradong happy sa huli.