Fashion designers at volunteers, lumilikha ng PPE, masks na ibibigay sa COVID-19 frontliners

798

Nagsanib-puwersa ang mga designer at volunteer mula sa fashion industry para lumikha ng personal protective equipment (PPE), face mask, at head cover na gagamitin ng mga health worker bilang proteksyon kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa litratong ibinahagi ng designer na si Michael Leyva, makikitang abala silang gumagawa ng protective gear na ido-donate nila sa mga bagong bayani.

“MABUHAY po kayo at salamat sa dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan. This wouldn’t have been possible without my team’s dedication and willingness to help,” mensahe ni Leyva sa kaniyang Instagram post.

Samantala, nabuo naman ang grupong “Manila Protective Gear Sewing Club” para lumikha rin ng mga PPE na kanilang ipapamahagi sa frontliners sa pamamagitan ng Office of the Vice President (OVP).

Sa kaniyang Facebook post, nanawagan ang designer na si Mich Dulce para sa monetary at garment donation na mapupunta sa paggawa ng mga protective suit.

A more detailed list of what we need, a call for garment factories (please contact @rajolaurel /patrice Diaz) and to…

Posted by Mich Dulce on Tuesday, March 24, 2020

Bunsod ng paglobo ng kaso ng COVID-19, nauubusan na ng PPE ang mga doktor, nars, at iba pang medical staff kaya dumating sa puntong nagsusuot na sila ng plastic or garbage bag upang hindi ma-expose sa nakahahawang virus.

(IMAGE FROM MICHAEL LEYVA)