Facility cleaner sa Legazpi Airport, nagbalik ng bag na may lamang P150k

164

Pinapurihan ang isang empleyado ng Legazpi Airport matapos siyang magbalik ng bag ng isang pasahero, na may lamang P150,000.

Sa Facebook post ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sinabi nilang natagpuan ni Rommel Nanio ang naturang gamit habang naglilinis sa pre-departure area ng paliparan.

Nang inspeksyunin ng facility cleaner ang bag, tumambad sa kaniya ang 25 piraso na $100, P25,868 cash, at mga importanteng dokumento na pagmamay-ari ni Cesar Ballano.

INNITY ADS

Agad itong kinuha ni Nanio at ibinigay sa CAAP Security and Intelligence Services (CSIS) para maberipika.

Nai-turn over na ang bag sa Philippine Airlines, kung saan sumakay si Ballano, para tuluyang maisauli sa may-ari.




“Nanio, expecting nothing in return, showcased CAAP’s core values of integrity and honesty in the course of his service to the public,” bahagi ng pahayag ng CAAP.

Ang kuwentong katapatan ng lalaki, pinusuan online ng maraming netizen at meron nang 1,000 reactions at shares.

(IMAGES FROM CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES)