Estudyante, nakiusap sa guro na ibigay ang bonus points sa pinakamababa sa test

499
Courtesy of Winston Lee

Taliwas sa ibang mag-aaral na gagawin ang lahat upang makakuha ng mataas na marka, isang estudyante ang humiling na ipaubaya ang makukuha niyang bonus points sa kung sinumang pinakamababa sa pagsusulit.

Sa nag-viral na post ni Winston Lee, guro sa Letcher County Central High School sa Kentucky, US, ibinahagi niya ang kabutihang ngayon niya lamang daw nasaksihan.

“One of my guys, a straight A+ guy, offers up his 5 bonus points to someone in need,” saad ng guro sa Facebook post noong Pebrero 21.

INNITY ADS

Kalakip ng post ang litrato ng isang test paper na may nakasulat sa ibaba na: “If you could, can you give my bonus points to whoever scores the lowest?”

“Anyone. Totally offering up what is rightfully his, his earning, to any peer that may have been struggling especially hard the day of the test,” dagdag ni Lee.




Sa ulat ng CNN, sinabi ng guro na dahil sa binigay na puntos ng straight-A student na nakakuha noon ng 94, nakapasa ang isa niya kaklase na dapat ay bagsak na ang grado.

Bagama’t maraming pumuri sa ipinakita ng estudyante, may ilang netizens na nabahala kung dapat nga bang bigyan ng dagdag na puntos ang bagsak na mag-aaral.

Hindi naman daw nagpapaapekto rito ang guro na gusto lamang bigyang pagkilala ang nakamamanghang ginawa ng kanyang estudyante.

Nais niya rin daw itong ibahagi sa marami upang magsilbing insipirasyon.

“This note gave me so much hope. Let us all be a little more like this young man!” aniya.