Electrician, bumuo ng automatic disinfectant machine para sa mga kotse

874

To the next level ang imbensiyon ng isang residente mula sa Talavera, Nueva Ecija na may layong iwasan ang paglaganap ng kinatatakutang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Lumikha ng automated disinfectant machine si Reynald Tolentino gamit lamang ang mga scrap materials na galing sa relay switch, emergency lights battery, movement sensor, at electronic parts.

Natapos ni Tolentino ang makina sa loob ng isang araw at ipinuwesto sa isang highway na sakop ng Barangay Bakal Uno.

INNITY ADS

Bawat kotseng dadaan dito ay kailangan huminto sa tent, kung nasaan ang makina, para maisprayan ng tubig na may halong bleach.

“Ang AUTOMATIC DISINFECTANT MACHINE ay automatic na po na mag spray pag daan nyo sa area, at kusa na rin po sya mag off, ito po ay non-contact hindi po natin kailangang bantayan maliban nalang kung mag add ng chemicals at water,” paliwanag ng electrician.




Kuwento ng lalaki, nai-apply niya raw ang natutunan sa TESDA kung saan siya nagtapos ng kursong electronics technician.

Nagbahay-bahay na rin siya kasama ang ilang miyembro ng Tau Gamma Phi para tumulong sa pagsasaboy ng disinfectant upang ‘di na kumalat pa ang nakahahawang virus sa lugar.

(COURTESY OF MUNICIPALITY OF TALAVERA)