‘Di kami singil, tulong muna kami’: Ilang Indian national, namahagi ng relief goods sa Bulacan

6195

Kapag sinabing “Bumbay”, madalas natin naiisip ang mga salitang balbas, motorsiklo, 5-6, o singil utang.

Pero ang isang grupo ng Indian national sa San Jose del Monte, Bulacan hindi paniningil ang pakay sa mga residente.

Viral ngayon sa social media ang ipinakitang kabutihan ng mga dayuhan sa gitna ng ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

INNITY ADS

Sa litratong ipinost ng isang Master Epong, makikitang sinuyod nila ang mga eskinita sa Barangay Gaya-gaya para mamigay ng bigas at grocery items.

Ang mga namahagi ng relief goods sa apektadong pamilya, miyembro raw ng Punjabi Sikh Community.




Kung dati ay tinataguan ang mga “bumbay”, bukas na bukas ngayon ang pinto ng mga indibidwal na labis ang tuwa sa natanggap na donasyon.

 

“Pinairal muna nila ang pagiging makatao bago negosyo dahil sa krisis na pinagdadaanan natin sa COVID-19. Good job mga sir! Saludo po kami sa inyo! Salamat sa pagmamalasakit sa mga pinoy. God bless you,” bahagi ng Facebook post ng uploader.

Labis naman ang papuri ng mga netizen sa random act of kindness ng mga Indian national.

“Ang Tao bumbay man o pulitiko kapag galing SA puso ang pagtulong walang pansariling intensyon si Bombay may puso at may kusa …thank you so much SA yo GodBless you more grab the opportunity to helping others account mo Yan Kay Lord…ingat Bombay…”

“Thank you much mga indiano! 😍😍😍 (bombay) kahit di kyo pinoy u have much heart para sa mga pinoy!!! Thank you!!!”

Hiling naman ng iba, sana tularan ng mga “missing in action” na pulitiko ang kagandahang loob ng mga dayuhan.

“buti pa mga indiano nag mamalasakit sa mga pinoy. pero yng mayor nmin nawawala.”

“Buti pa tong mga kaibigan nating indian national ,,nag effort ambilis ng ayuda kahit sa konting bagay lang ,,,ngunit ang mga politiko natin ang kukupal ay este ang kukupad”

Umabot na sa mahigit 52,000 shares at 36,000 likes ang nakatutuwang post.