Delivery boy, namimili ng maraming tinapay para ibigay sa mga taong kalye

345

SAN JUAN CITY – Kumurot sa puso ng mga netizen ang post tungkol sa isang pizza delivery boy na bumibili ng tinapay para ipamahagi sa mga nasa lansangan.

Kuwento ni Raina Ominga, ilang araw na raw pabalik-balik sa bakery niya si Raymond Papellero at pinapakyaw ang paninda nila.

Nang tanungin niya kung kanino ito ibibigay, sinabi ni Papellero na ipinambibili niya ng tinapay ang mga nakukuhang tip at inaabot ang pagkain sa mga madadaanang nakatira sa kalsada.

INNITY ADS

“We were stunned! And that, my friend, is how we encounter Christ this Easter Sunday,” saad ni Omina sa post na umani ng 300,000 reactions online.

Nagtratrabaho raw ang good samaritan sa Cubao, Quezon City branch ng Pizza Hut.




Sa panayam ng local radio station, sinabi ni Papellero na marami siyang nakikitang taong kalye na nanghihingi ng pagkain kaya naisipan niyang mamahagi ng tinapay.

Kada street dweller na madadatnan ng delivery boy ay aabutan niya ng tig-apat na tinapay.

Hindi naman daw inaasahan ni Ominga na magiging viral sa social media ang naturang kuwento.

“For those who wants to help and donate, i’ll try my very best to get back to all of you through messenger. Nakuha ko na po contact details niya.”

“Our hero’s heart is so full today. Very humble kausap. Medyo kabado pero i think he’s just overwhelmed sa biglang turn of events ng life niya,” wika ng uploader.

(PHOTOS COURTESY OF RAINA OMINGA)