Dahil walang magbabantay: Aso, dinala ng amo sa eskuwelahan

1717
Courtesy Rein Gabuya

Viral ngayon sa social media ang retrato ng isang aso na dinala ng estudyante sa kolehiyong pinapasukan sa Tarlac.

Sa kuha ni Rein Gabuya, makikitang mahimbing na natutulog ang hayop sa hita ng amo niya na parang isang sanggol.

“Isa sa pinakamahirap ay maging “Isang Batang Ama”🥺💖 ,” biro ng uploader.

INNITY ADS

Batay sa Facebook post, pagmamay-ari ni John Ralph Pablo, estudyante mula sa Tarlac Agricultural University, ang four-month-old Jack Rusell terrier na si Gani.

Kuwento ng fur parent, sinama niya sa unibersidad ang alagang aso dahil maiiwan itong mag-isa sa bahay.




Pinusuan naman ng netizens ang larawang ibinahagi ni Gabuya na ngayo’y may mahigit 30,000 reactions online.