Dahil mabuting ina at asawa: Misis, may natanggap na ‘Christmas bonus’ mula sa mister

19919
Courtesy Edmar Dizon Vergara

Kinagigiliwan online ang isang lalaking nagbigay ng “Christmas bonus” sa kaniyang asawa dahil sa pagiging mabuting maybahay at nanay.

Sa video, aakalain mong natutulog sa banig ng pera si Donna Charrie Juniosa na ginigising ng mister na si Edmar Dizon Vergara. Ang katabing limpak-limpak na pera ng babae, regalo pala ng pinakamamahal na kabiyak.

Maliban sa cash, nakatanggap rin ang ginang ng bagong cellphone.

INNITY ADS

Ibinida ni Vergara sa Facebook post na deserve ng misis niya ang mga nasabing biyaya.

“Alam natin pag housewife ang ating asawa, mas lalo natin dapat silang maappreciate. Sila ang nag-aalaga ng mabuti sa ating mga anak at magandang budget sobrang sacrifice magalaga maiba nature ng isang babae lalo na at sanay sa work.




“I’m so happy na ikaw ang nklala ko sa buhay ko. I love you so much enjoy your new phone gadgets at magshopping ka hehehe,” mensahe ng ginoo.

Halos iisa lamang ang reaksyon ng netizens sa nasabing post: sana all.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 150,000 views and shares ang video ng munting sorpresa ni Vergara.