Chairman, ibinigay ang sahod sa mga ka-barangay na solo parent, PWD

588

Para may pandagdag sa ayudang ipinagkaloob ng lokal na gobyerno, inilaan ng isang punong barangay mula Narra, Palawan ang kaniyang isang buwang sahod sa mga kababayang naapektuhan ng enhanced community quarantine.

Sa kuha ni Elizabeth Abala Paguntalan, inilalagay ni Kapitan Amante Galla ng Brgy. Bagong Sikat ang perang kinita sa bawat sobreng ipapamahagi.

Ipinagkaloob ni Galla ang financial assistance sa mga solo parent at persons with disabilities (PWD) na naninirahan sa kinasasakupang lugar.

INNITY ADS

Kuwento pa ng uploader, dinagdagan ng apo ni chairman na si Police Officer Jobeth Galla ang nasabing cash subsidy.

Labis naman ang pasasalamat ng mga residente sa tulong na ibinigay ng opisyal sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.




Ang pagmamalasakit ni Galla, hinangaan at pinuri sa social media, kung saan umani ito ng mahigit 10,000 likes.

(COURTESY ELIZABETH ABALA PAGUNTALAN)