Binata, ibang ‘DOLE’ ang hinanapan ng P5k assistance; Dole PH products ang natanggap

5919

Patok ngayon sa social media ang post ng isang netizen na nagpa-follow up ng P5,000 financial assistance sa Department of Labor and Employment (DOLE) subalit naipadala niya pala ang mensahe sa kompanyang Dole Philippines.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Dole PH na nakatanggap sila ng mensahe galing kay CJ Banasihan noong Marso 24 at tinatanong kung nasaan na ang cash assistance na dapat ibigay habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Maayos naman sinagot ng food company na ibang “DOLE” ang kinakausap ng binata at kaagad itong humingi ng paumanhin.

INNITY ADS

Subalit hindi roon nagtatapos ang pag-uusap ng dalawa, dahil ang food manufacturer niregaluhan si Banasihan ng kanilang mga produkto.

“He may not have gotten the money yet from the Department of Labor and Employment, but he received more than 5,000 pesos worth of our products for brightening up everyone’s day with his viral post,” pahayag ng Dole PH.




Sa latest post ng binata, makikita ang kahon-kahong produkto habang may hawak siyang liham mula sa kompanya.

 

“Thank you Dole PH hindi ko inexpect na tototohanin nyo yung message ko. And thank you din sa mga nag share kaya naging viral yung post ko,” saad ni Banasihan.