Biik na may 2 ulo at 3 mata, pinangalanang ‘Copig’

4473
Photo from Cathy Dulalia-Cancel

Ikinagulat ng isang pamilya sa Brgy. Quiasan, Balasan, Iloilo ang kakaibang hitsura ng biik na isinilang ng kanilang inahing baboy nitong Mayo 17.

Sa larawang ibinahagi ni Cathy Dulalia-Cancel, kapansin-pansin na mayroon dalawang ulo at tatlong paa ang pinagkakaguluhang hayop.

Ang biik ay pinangalanang Copig dahil ipinanganak siya sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=2396837440419085&id=100002785570396&sfnsn=mo

Kuwento ng may-ari, bumili siya ng gatas at bote para sa alagang baboy sa takot na maipit ito kung kasabay na iinom ng gatas ang ibang kapatid.




Ang kondisyon ni Copig ay tinatawag na polycephaly o pagkakaroon ng higit sa isang ulo, ayon sa mga dalubhasa.

Base sa pag-aaral, ang mga hayop na may ganitong karamdaman ay hindi nabubuhay ng matagal.

Pumanaw ang biik makalipas ang apat na araw mula noong isilang ito.

Kaya payo ng mga eksperto sa mga nag-aalaga ng baboy, painumin ng vitamins at supplements ang inahing buntis at huwag hahayaang ma-stress.