Batang binu-bully dahil may dwarfism, magdo-donate ng $475,000 sa charity

2130
Sinimulan ng US comedian na si Brad Williams (kanan) ang GoFundMe para sa 9-anyos na si Quaden Bayles (kaliwa) na nakaranas ng pambu-bully dahil sa dwarfism. IMAGES: Facebook

Imbis na igala sa Disneyland, ido-donate ng batang Australian na binu-bully dahil may dwarfism ang nakalap nilang daang libong dolyar sa charity.

Bumuhos ang suporta sa 9-taon-gulang na si Quaden Bayles matapos mag-viral ang video niyang paulit-ulit na umiiyak at humihiling na mamatay na lamang dahil sa nararanasang pambu-bully sa paaralan.

(BASAHIN: 9-anyos lalaking binu-bully dahil may dwarfism, humiling na mamatay na lang)

INNITY ADS

Umani ng milyong views ang naturang video at nakarating sa US comedian na si Brad Williams na nagsimula ng GoFundMe page na kalauna’y nakaipon ng U.S. $475,000 (halos P24 milyon).

Nakalaan sana ang nakolektang pondo para makapagbakasyon sa Disneyland ang mag-inang Bayles, ngunit sinabi ng tita ng bata sa NITV News na ibibigay nila ito sa charity.




“What kid wouldn’t want to go to Disneyland, especially if you have lived Quaden’s life. To escape to anywhere that is fun that doesn’t remind him of his day to day challenges,” saad ng kaanak.

“But my sister said ‘you know what, let’s get back to the real issue’. This little fella has been bullied. How many suicides, black or white, in our society have happened due to bullying,” dagdag niya.

Nais umano nilang makarating ang pera sa mga komunidad na talagang nangangailangan.