Batang ‘binasted’ dahil hindi kumakain ng gulay, niregaluhan ni Heart Evangelista

14628
Images from Heart Evangelista's IG account

Binigyan ni Heart Evangelista ng munting regalo ang estudyanteng “binasted” ni crush dahil ayaw kumain ng gulay.

Pag-amin ng TV host-actress sa kaniyang Instagram story, nalungkot siya sa sinapit ng batang si Eman.

Captured from Heart Evangelista’s IG story

“Aww so cute yet so heartbreaking. Saw this letter from a little girl rejecting the boy who has a crush on her. Okay lang yan Eman, I love you!” pahayag ni Heart.

INNITY ADS

Para mawala ang lumbay ng musmos, nagpadala siya ng package na may lamang maraming pagkain sa eskuwelahang pinapasukan nito.

Sumulat naman si Eman sa aktres at nangakong kakain ng gulay bilang pasasalamat sa regalong natanggap.




“Dear Ms. Heart, happy birthday and happy Valentine’s day. Thank you sa gift kakain na po ako ng mara­ming gulay para tumaba na ako, Love, Eman,” nakasaad sa liham ng paslit.

Naantig naman ang puso ng maybahay ni Sorsogon Governor Chiz Escudero sa mensaheng ipinahatid ng mag-aaral.

Captured from Heart Evangelista’s IG story

“One of the sweetest birthday greetings I got! Kain ka ng maraming­ gulay, Eman! Happy Valen­tine’s Day din sayo at salamat sa pag-alala ng birthday ko,” ayon sa Kapuso celebrity.

(BASAHIN: Grade 4 student ‘binasted’ ni crush dahil ayaw kumain ng gulay)

Matatandaang pumukaw sa netizen ang kuwento ni Eman matapos umanong i-reject ng batang si Danica dahil sa pagiging payat at pagkakaroon ng ibang gusto.