Barbero, gumawa ng sariling protective gear para iwas COVID-19

710

Sa kabila ng banta ng COVID-19, tuloy pa rin sa pagseserbisyo ang isang barbero sa Jakarta, Indonesia para sa mga frontliner na tumutugon sa kinatatakutang virus.

At upang siguradong ligtas sa sakit, gumawa ng sariling protective gear ang 40-anyos na si Herman Maulanasyah gamit ang iba’t-ibang klase ng plastic.

Sa panayam ng Reuters kay Maulanasyah, nakiusap siya sa publiko na huwag siyang husgahan dahil sa nilikhang kasuotan.

INNITY ADS

“Please don’t judge, I’m not making it for fun or to look ridiculous, this is how I show my appreciation to the health workers,” saad ng barbero.

Bago sumabak sa trabaho, nag-iispray muna siya ng alcohol at sanitizer, pati na rin ang kliyente niya.




“This is to protect myself because I have a family, my child and wife, therefore I need to ensure my safety at work because I don’t know whether the people who come here are infected or not,” dagdag nito.

Isa ang bansang Indonesia sa matinding hinagupit ng COVID-19 sa Southeast Asia (SEA) region kung saan 3,000 ang kumpirmadong dinapuan at 250 naman ang nasawi.