Ball gown, libreng ibinigay ng designer sa batang P30 lamang ang pang-down

3299

MANGATAREM, PANGASINAN – Tinupad ng isang designer at may-ari ng clothing store sa nasabing bayan ang pangarap ng isang mag-aaral na makadalo sa junior-senior (JS) promenade night.

Kuwento ni Rica Cariño Lopez, pumasok sa kaniyang tindahan ang dalagita para magtanong sa presyo ng pag-arkila ng gown.

Nang malaman ang gown rental fee, biglang nalungkot at nahiya ang estudyanteng nag-iinquire.

INNITY ADS

Pabulong na sinabi ng bata na P30 lamang ang kaya nitong ibayad bilang downpayment sa napusuang dress.

“Baon niyang maghapon ‘yong idodown niya sa akin na P30. Naaawa ako,” dagdag pa ni Lopez.




Matapos madiskubre ng good samaritan ang kalagayan ng magulang nito, nagdesisyon siyang ibigay na lamang ang pulang ball gown ng libre.

Maliban dito, sagot na rin niya ang hair and make up service ng dalagita pati ang sandals na susuotin sa nasabing okasyon.

Mistulang naging reyna ang hitsura ng estudyanteng makaraang isukat ang magarbong gown sa loob ng shop ng designer.

Humanga at bumilib naman ang mga netizen sa kabaitang ipinakita ni Lopez, dahilan para maging viral sa social media ang kuwento nito.

 

(PHOTOS COURTESY OF RICA CARIÑO LOPEZ)