
Hindi na bago sa Pilipinas ang mga nanay na isinusunod ang pangalan ng kanilang anak sa nagdaang bagyo kung kailan sila nagsilang.
Pero ibang klase ang isang nanay na usap-usapan ngayon sa Twitter matapos umanong pangalanan ng “Covid Bryant” ang isinilang niyang sanggol noong Marso 15.
Pinagsama lang naman ng nanay ang acronym ng 2019-coronavirus disease at pangalan ng yumaong NBA superstar Kobe Bryant.
Sa nag-viral na screenshot ng isang message, sinabi ng sender na “Covid Bryant” ang binigay na pangalan sa baby boy ng anak ng isa nilang kasambahay.
“Anak ng teteng! I just found out through FB that the daughter of our kasambahay gave birth this morning, March 15, Day 1 of Metro Manila Quarantine, and named the baby boy COVID BRYANT. Nemen! Kawawang bata ere,” sabi sa message.
“I called up the mother just now and confirmed it’s true. *Slaps head*” dagdag pa ng sender.
Hati naman ang reaksyon dito ng netizens; may mga natuwa at na-good vibes, habang ang iba naman ay nalungkot dahil ikinabit sa bata ang dalawang “bad news” ng taong 2020.
Kasalukuyang kinahaharap ng buong mundo ang COVID-19 pandemic, at si Bryant naman ay binawian ng buhay sa helicopter crash noong Enero.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens:
Saw a message where one of the maid’s daughters gave birth last March 15 (start of the lockdown) & you’ll never guess what they named their NEWBORN CHILD…….
COVID BRYANT 😫🤞🏻
— niña cayosa (@ninacayosa) March 17, 2020
this filipino mom trying to sum up 2020's disasters so far by naming the son COVID BRYANT. HOW INAPPROPRIATELY WITTY AND FUNNY I CANT–
— jeannie del rey (@jane_eyrr) March 17, 2020
this pandemic and this year shall pass, but for the poor boy who was named covid bryant, a lifetime of suffering is yet to start
— lino dimaculangan (@linoangelo) March 17, 2020
Can't wait for Covid Bryant to turn 19 with all these lobo spelled out COVID @ 19
— corona sanchez (@kemberleyyy) March 18, 2020