Babae, gumawa ng bunutan ng lulutuing ulam sa araw-araw

6273

Palagi niyo bang iniisip o pinagtatalunan sa bahay kung anong lulutuing ulam? Puwes, subukan ang nakatutuwang solusyon ng isang nanay sa naturang one million dollar question.

Pinusuan online ang palabunutan ni Beng Onacle kung saan nakasulat ang mga putaheng maaring ihanda sa araw-araw.

Aniya, ang pagkaing mabubunot ay siyang iluluto para sa pamilya.

INNITY ADS

Kabilang sa listahan ng babae ang sinabawang ulam na sinigang, tinola; masarsang ulam na adobo, pininyahang manok; at pritong putahe na isda, manok, lumpiang shanghai, hotdog at ilog.

Sa bawat litratong inupload ni Beng, nakasaad ang iba’t-ibang tips para sa mga problemadong mister, misis, o anak.




Tuwang-tuwa ang maraming netizen at animo’y nakakuha ng inspirasyon sa diskarteng ginawa ng madre de pamilya. Sa ngayon, umabot na sa mahigit 15,000 shares at 3,200 likes sa social media ang nasabing istilo.

(IMAGE COURTESY: BENG ONACLE)