Ayos pa ang buto-buto! 57-anyos na lola, nakipagsabayan sa ‘Tala’ dance craze

2866
Courtesy Teresita Embuscado

Age does not matter.

Ito ang pinatunayan ng isang 57-anyos na lola na nakipagsabayan sa kinaaliwang dance craze ngayon na “Tala”.

Ipinakita ni Teresita Embuscado ang mala-Sarah Geronimo performance niya sa paghataw ng muling sumikat na awitin ng “Popstar Royalty Queen”.

INNITY ADS

Animo’y teenager pa rin ang grooving lola dahil sa lambot ng katawan at wala siyang mintis sa dance steps.

Biro ni Embuscado, hindi niya daw pinahalata na sumasakit ang balakang sa talentong ipinamalas.




Umani ng mahigit 900,000 views at libu-libong nakamamanghang reaksyon sa social media ang video na inupload ng ginang noong Huwebes.