
Napuwersa kakakawag ang buntot ng isang aso sa sobrang pagkasabik na lagi nang makakasama sa bahay ang mga amo dahil sa COVID-19 pandemic.
Ibinahagi ni Emma Smith mula United Kingdom, ang nangyari sa 7-taon-gulang nilang dachshund na si Rolo, noong Biyernes sa Twitter.
“So my dog has been so happy that everyone is home for quarantine, that his tail has stopped working,” kuwento niya sa unang tweet.
Sinabi ng beterinaryong pinagdalhan nila sa alaga na na-sprain ang buntot ni Rolo sa sobra-sobrang pagkawag.
“For those asking, he is currently on pain relief and the vet said he should be healed within a week,” sabi ng amo sa sumunod na araw, kasabay ang video ni Rolo na bahagya nang naigagalaw ang buntot.
Didn’t expect this happen😂, for those asking, he is currently on pain relief and the vet said he should be healed within a week, this is him on the 2nd day. He is super happy and there is now movement from side to side but he is struggling to lift it up in the air. pic.twitter.com/dY0o96HOpj
— Emma smith (@Emmasmith77xx) March 21, 2020
Ani Smith, “He is super happy and there is now movement from side to side but he is struggling to lift it up in the air.”
Noong Sabado, nagpasalamat si Smith sa lahat ng nag-alala at nag-abang ng kuwento ng buntot ni Rolo na umabot na ngayong ng 1 million likes at higit 139,000 retweets.
“I’m sure he will be back wagging like this in no time,” caption niya sa lumang video ni Rolo na wagas ang kawag ng buntot habang nasa damuhan.
Thanks for everyone’s concern, im sure he will be back wagging like this in no time 😊 pic.twitter.com/xyt3qR9KjI
— Emma smith (@Emmasmith77xx) March 21, 2020
Ginawan na rin ni Smith ang alaga ng Instagram account na may username na rolo.thehotdog.