95-anyos na lolo sa Mandaluyong, gumaling sa COVID-19

261

Pag-asa ang ibinigay ng isang 95-anyos na lalaki sa Mandaluyong City matapos gumaling sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa Facebook post ni Mayor Menchie Abalos nitong Linggo, makikitang inaalalayan ng mga health worker mula sa Mandaluyong Medical Center ang pasyenteng naka-wheelchair na kinilalang si Cresencio Junio.

Habang papalabas ng ospital, may hawak na papel si Junio kung saan nakasaad ang mga salitang “I’m a 95 y/o COVID survivor!”.

INNITY ADS

Sinalubong siya ng mga opisyal at iba pang medical personnel ng masigabong palakpakan bilang pagpupugay sa tinamong tagumpay.

“Maraming salamat sa lahat ng mga doctors, nurses at sa lahat ng frontliners ng MCMC. Simbolo ka lolo ng liwanag na nadadanasan natin ngayon. Ang importante ang pagkakaisa at pananampalataya sa Diyos,” pahayag ng alkalde.




Umabot na sa 150 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa siyudad, kung saan 16 ang nasawi at 20 naman ang naka-recover.

Nabatid noon ng mga eksperto na mas peligroso ang virus sa mga senior citizen, may pre-existing ailment at mahihina ang resistensiya.

(PHOTO COURTESY OF MAYOR MENCHIE ABALOS)