89-anyos na lola, tuloy pa din sa pagtitinda ng basahan para sa mga apo

422
Courtesy Kathrina

Maraming naantig ang puso sa viral na retrato at video ng isang masipag na lola na tuloy pa din sa pagtratrabaho sa kabila ng kaniyang edad.

Kuwento ng netizen na si Kathrina, nagsusumikap sa pagtitinda ng basahan ang 89-anyos na si Lola Ibyang para may pantustos sa mga pinakamamahal na apo.

 

Ayon pa sa uploader, taong 2015 nang makilala niya ang matandang babae na madalas nakapuwesto sa kahabaan ng Daang Hari southbound malapit sa T-intersection ng Commerce Avenue, sa Alabang, Muntinlupa City.

INNITY ADS

Ibinahagi niya ang kuwento ni Lola Ibyang sa social media sa pagbabakasakaling marami pang tumulong sa matanda lalo na at malapit na ang Pasko.

Courtesy Kathrina

Hiling ng Facebook user sa publiko, bumili ng isang pack ng basahan sa halagang P100 kung sakaling mapadaan sila sa kinaroroonan ng matiyagang lola.




Umani ng mahigit 50,000 shares at likes at libu-libong reaksyon mula sa social media users ang makabagbag-damdaming post.