fbpx
Saturday, January 16, 2021

PANOORIN: Buwis-buhay na pagpapahinto ng isang Pinoy sa catering truck na nawalan ng kontrol

12287
Courtesy aviationpros.com and Dr. Kevin Klauer

Itinuturing bayani ngayon sa Chicago, United States ang isang Pinoy matapos niyang mapigilang bumangga ang catering truck sa isang eroplano sa O’hare Airport International Airport.

Batay sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang motorized catering truck at umandar mag-isa sa tarmac ng naturang paliparan. Nag-ugat ito nang malaglag ang isang kaha ng tubig at madagaan ang gas pedal nito.

Sa viral video, makikitang malakas at mabilis na pag-ikot ng truck na halos sumalpok sa nakaparadang eroplano.

Sinubukan pa ng ilang tauhan sa airport na pahintuin ito pero nabangga lang din sila.

Napatigil sa pag-andar ang mapaminsalang truck nang sagasaan ito ng tow tractor.

INNITY ADS

Ang buwis-buhay na pagpapahinto, naisip ng airport worker na si Jorge Manalang.

Kuwento ng ating kababayan, ginawa niya lamang ang kaniyang trabaho para wala nang ma-disgrasya pa.




‘When I saw the cart turning for almost a minute, I started to think how it could be stopped and I saw the pushback parked right on the nose gear of the aircraft,” pahayag ni Manalang sa international news site na Mail Online.

Isa sa mga bumilib at pumuri sa kabayanihang ipinakita ni Manalang ay si US President Donald Trump.

From Twitter/@realDonaldTrump