SEAT SALE ALERT: Cebu Pacific, may alok na P99 one way base fare

657
Image from Cebu Pacific Air Corporate

Good news sa mga kababayan nating gustong mag-travel sa susunod na taon.

Muling nag-alok ng bagsak presyong airfare ang Cebu Pacific para sa lahat ng domestic at international flights.

Ayon sa pamunuan ng airline company, tatakbo ang seat sale promo mula Huwebes, Nobyembre 28, hanggang Sabado, Nobyembre 30 nang kasalukuyang taon.

Cool discoveries & low fares for spring travels and beyond are one click away when you book now till Nov 30! Fly for as low as P99 from Feb 1 – Jul 31, 2020! bit.ly/fb11282019No promo code needed.

Posted by Cebu Pacific Air on Wednesday, November 27, 2019

Puwedeng mag-book ng domestic flights mula Maynila, Boracay, Cagayan de Oro, Cebu, Clark, Davao, Iloilo at Zamboanga sa halagang P99 pataas.

Aabot naman ng P499 pataas ang pasahe papuntang China, Dubai, Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, at South Korea. Manggagaling ang mga eroplano sa Maynila, Cebu, Clark, Kalibo, Davao, at Iloilo.

Habang P299 ang pasahe patungong Guangzhou at Hong Kong, mula Clark at Puerto Princesa.

Ang travel period ay mula Pebrero 1 hanggang Hulyo 31, 2020.

Para sa katanungan o karagdagang detalye, bisitahin lamang ang official website at social media accounts ng Cebu Pacific.