Pinakamalaking ‘oceanarium’ sa buong bansa, bukas na sa publiko

405
Image via Cebu Ocean Park website

Mahilig ka bang mag-sightseeing o makisalamuha sa mga lamang-dagat? Puwes, puwede mo na siyang gawin nang hindi lumulubog sa tubig.

Bukas na sa publiko ang pinakamalaking ‘oceanarium’ sa buong Pilipinas na matatagpuan sa lungsod sa Cebu.

Image from Facebook/Cebu Ocean Park

May lalim ito na 7.2 meters kung saan ma-eenjoy ng turista o lokal ang 360 degree walkway ng naturang atraksyon.

INNITY ADS

Mahigit 30 minuto lamang ang biyahe papuntang Cebu Ocean Park mula sa Mactan International Airport.

Image via sugbo.ph

Ang sukat ng bagong tourist attraction, 1.5 hektarya – mas malaki kumpara sa Manila Ocean Park.




Pagpasok pa lamang ng ground floor, masisilayan mo na ang iba’t-ibang isda galing sa Amazon.

Image from Facebook/Cebu Ocean Park

Maliban sa mga freshwater fish, agaw-pansin rin ang mga nakadisplay na exotic insects at reptiles.

Image from Facebook/Cebu Ocean Park

Sa jungle trek area naman, makikita mo ang mga ibon na kung tawagin ay lorrie, at puwede mo itong pakainin ng mga nakahandang blended fruit.

Image from Facebook/Cebu Ocean Park

Ilan pa sa mga aktibidad na magugustuhan ng mga bisita ay fish spa at bird show.

Ang entrance fee ng Cebu Ocean Park tuwing Lunes hanggang Biyernes ay P600 at P800 naman kapag Sabado at Linggo.