Philippine Airlines, may alok na P20 seat sale

477
Image from Philippine Airlines

Good news para sa mga biyaherong naghahanap ng murang airfare.

Bilang parte ng kanilang New Year 2020 promotional sale, inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL), Miyerkules, na may handog silang P20 one-way fare promo.

Sa inilabas na advisory, sinabi ng airline carrier na hindi bababa sa P20 ang pasahe para sa mga domestic flight.

INNITY ADS

Samantalang nasa $20 o P1,000 pataas ang halaga ng roundtrip international tickets.

Magsisimula ang booking period ng naturang promotional sale sa Lunes, Enero 20 at tatagal hanggang Biyernes, Enero 24.




Ang travel period ay mula Hulyo 1, 2020 hanggang Disyembre 10 ng kasalukuyang taon.

Kabilang din sa seat sale ang mga rutang Manila-Perth, Davao-Manado, Zamboanga-Kota Kinabalu, Davao-Iloilo, Cebu-Zamboanga, Cebu-Dipolog, at Zamboanga-Tawi-Tawi.

Taong 2019 nang parangalan ng research firm na Skytrax ang flag carrier bilang most improved air transport services sa buong mundo.

Para sa katanungan o karagdagang detayle, bisitahin lamang ang official website at social media page ng Philippine Airlines.