Palawan, nabawi ang top spot sa listahan ng ‘World’s Best Islands’

235

Muling nanguna ang Palawan sa listahan ng “World’s Best Islands” para sa taong 2020 ng magazine na Travel + Leisure.

Noong nakaraang taon nang mapunta ang nasabing sikat na travel destination sa Pilipinas sa ikalawang puwesto ng listahan na binabase sa boto ng readers.

Inilarawan sa magazine ang Palawan bilang, “dramatic at sea level, with mountains rising directly from the ocean palm-edged beaches.”

“Though it’s difficult to reach from many parts of the world, once travelers get there they can dive in World War II wrecks, explore old-growth rain forests, and paddle one of the world’s longest subterranean rivers at Puerto Princesa,” saad pa rito.

Ipinagbunyi naman ng Deaprtment of Tourism (DOT) ang naturang karangalan sa isang post sa Facebook page nito.




“It’s wonderful to see that our rehabilitation and sustainable development efforts last year, especially in El Nido and Coron, were well-received by tourists everywhere,” saad ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ito ang ikaapat na beses na nanguna ang Palawan sa “World’s Best Islands”.

Pasok din sa listahan ngayong taon ang Boracay na nasa ika-14 na ranggo.

Tingnan ang buong listahan dito: The Top 25 Islands in the World