Mga lalaking halos hubo’t-hubad, sumali sa taunang ‘Naked Festival’

4271
Courtesy Reuters

Hindi napigilan ng maginaw na panahon ang 10,000 kalalahikan na dumalo sa taunang “Naked Festival” o “Hadaka Matsuri” sa Honshu Island, Japan.

Bilang bahagi ng tradisyon, halos hubo’t-hubad ang mga kasali at nakasuot lamang ng telang pantakip sa maselang parte ng katawan (fundoshi) at pares ng medyas (tabi).

Ginaganap ang naturang pista sa Saidaiji Temple tuwing ikatlong Sabado ng Pebrero.

INNITY ADS

Bago magsimula ang pagdiriwang, tatakbo muna ang mga kalahok sa paligid ng templo at maliligo sa malamig na tubig.

Makalipas ang ilang oras, itatapon ng isang pari mula sa bintana ang 100 sanga at dalawa umanong lucky 20-centimeter long stick na pag-aagawan ng mga lalaking sumali.




Pinaniniwalaang suswertihin sa buhay ang sinumang makakakuha sa mga inihagis na gamit.

Idinaraos ang “Naked Festival” bilang pasasalamat sa biyaya, masagang ani, prosperity, at fertility.