Bayan sa Italy, handang bayaran ang renta ng mga lilipat doon

4810
Teora. IMAGE: IG/@aurelio_22

Kamakailan lang, isang bayan sa Italy ang nagbebenta ng mga bahay sa halagang 1 uero o halos P50 lamang sa pag-asang makaakit ng mga bagong residente, at pataasin ang lumiliit na populasyon.

Pero iba naman ang naisip na paraan ng gobyerno sa isa pang bayan sa southern Italy upang solosyunan ang parehong kinahaharap na problema.

Sa Teora, na matatagpuan sa Mount Cresta del Gallo, bayad-upa na ang inaalok ni Mayor Stefano Farina sa mga lilipat sa kanilang lugar.

INNITY ADS

Dahil walang kasiguraduhan sa pagbebenta ng murang bahay tulad sa Bisaccia, minabuti ni Farina na magtakda ng kondisyon sa mga makakatanggap ng libreng renta.

“I don’t believe in selling empty houses for 1 euro, that doesn’t incentivize people to stay in town,” pahayag ni Farina sa CNN Travel.




Kinakailangang mamalagi muna nang tatlong taon doon, at mayroong isang anak ang mga bagong residente

“They just come a few months a year as holiday-makers. That’s not the solution. But taking up residency and enrolling kids at the local school, that does breathe new life,” paliwanag ng mayor.

Bilang kapalit, makakatanggap ang residente ng halos P8,000 pambayad ng renta sa loob ng dalawang taon — na malaking bagay na sa karaniwang presyo ng upa roon na P10,000.

View this post on Instagram

pensininkes gyvenima damusiu cia

A post shared by Žiedė Kirstukaitė (@ziiedde) on

Nagsimula umano ang pagbaba ng populasyon sa Teora nang tumama ang malakas na lindol noong 1980, na pumatay sa 157 residente at sumira sa mga makasaysayang gusali.

“Two babies are born in Teora each year versus 20 elders who die. We’re down to barely 1,500 residents,” ani Farina.

Sa mga interesado, inaanyayahang makipag-ugnayan sa opisina ng bayan sa pamamagitang ng email.