
Kung pangarap mong magpakalayo-layo at manirahan pansamantala sa hindi pamilyar na lugar habang patuloy na kumikita ng pera, baka para sa iyo ang oportunidad na ito.
Naghahanap ang Great Blasket Island, na matatagpuan sa west coast ng Ireland, ng dalawang kataong gustong lumipat at magtrabaho sa isla mula Abril hanggang Oktubre.
Magiging responsable ang dalawa–puwedeng magkaibigan o magkarelasyon–sa akomodasyon sa isla at pagpapatakbo ng coffee shop.
Hindi rin problema ang pagkain, dahil libre ito, ayon sa mga may-ari ng negosyo na sina Alice Hayes at Billy O’Connor.
Sa isang panayam, sinabi ng magkaparehang negosyante na nasa 23,000 na raw ang natatanggap nilang aplikasyon mula sa iba’t-ibang bansa simula nang ianunsyo nila ito sa Twitter.
** Job Vacancy **
A unique position required – looking for long term management of Island Accommodation and Coffee Shop. Couple or two friends.
1st April 2020 – October 2020 accommodation and food provided.
Email Alice on info@greatblasketisland.net for more information pic.twitter.com/RJFfrr4QDH— Great Blasket Island (@gbisland) January 10, 2020
“We were concerned we would not find anyone willing to leave their job, pack their bags and move to a windswept island with no electricity or hot water in the middle of the Atlantic. I suppose people just want to disconnect from the rush of everyday life and get off the grid,” pahayag ni O’Connor.
Bukod sa aplikasyong nakasulat sa iba’t-ibang lenggwahe, nakatanggap na rin daw sila ng mag-asawang aplikante na 79-anyos at 83-anyos.
Pero dahil malayo ang isla, asahang walang internet connection, kuryente, at hot bath doon.
Wala pa namang sinasabi ang mga may-ari tungkol sa halaga ng sahod.
Sa ngayon, nasa 1,000 aplikante na raw ang pinadalhan nila ng kasagutan.