Kompanya, magbibigay ng 4 araw dagdag na bakasyon sa mga empleyadong hindi naninigarilyo

174

Gustong bigyan ng isang kompanya sa England ng dagdag na apat na day-off ang mga empleyadong hindi naninigarilyo sa trabaho.

Pinasimulan ni Don Bryden, managing director ng KCJ Training and Employment Solutions sa Stratton ang bagong patakaran ngayong buwan, ayon sa ulat ng Swindon Advertiser.

Naisipan daw ito ni Bryden nang minsang panoorin niya ang mga naninigarilyong trabahador at mapagtantong 10 minuto o higit pa ang tinatagal nila sa labas kada isang yosi.

INNITY ADS

Sa isang araw ay nakaka-apat hanggang limang sigarilyo ang iba na kung susumahin ay katumbas daw ng higit 16 araw sa isang taon base sa walong oras na trabaho.

Habang ang ibang empleyadong walang yosi-break ay patuloy sa pagtatrabaho, kaya aniya nararapat lamang silang bigyan ng kapalit.




“Everyone was saying it was a great idea but nobody said they would actually do it. So I came into work at the start of January feeling generous and told everyone we would kick it off,” ani Bryden sa ulat.

Matapos ianunsyo ang bagong kalakaran, sinabi ng ibang trabahador na ititigil na nila ang paninigarilyo.

Ngunit nilinaw ni Bryden na matatanggap lang nila ang apat na araw na bakasyon kung ititigil nila ang gawi sa loob ng 12 buwan.

“I’ve worked for recruitment for national and private businesses for 20 years and, a lot of the time, you get used and abused and you just become a number,” dagdag ng managing director.

Hangad ni Bryden na may ibang kompanya pang magpapatupad ng parehong sistema.

“It may not make the business more profitable but it has created loyalty and a positive mindset and the feeling of being a family,” aniya.