550 Pinoy nurse, kailangan sa Germany; sahod aabot sa P113k kada buwan

5604

Nangangailangan ng 550 Pinoy nurse sa bansang Germany ngayong taon, ayon sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Aabot sa 2,000 euros o P113,000 ang buwanang sahod na matatanggap ng isang nurse doon at maari pa itong tumaas hanggang 2,600 euros or P150,000.

Hindi pa kasama sa binanggit na suweldo ang overtime at holiday pay.

INNITY ADS

Dagdag ng pamunuan, may oportunidad ang mga kwalipikadong nurse na manirahan o maging isang German citizen.

Ang mga resikito sa naturang in-demand job ay mga sumusunod:




  • May permanent residence sa bansa
  • Nakapagtapos sa kursong nursing
  • PRC license sa pagiging nars
  • May karanasan sa pagtratrabaho sa pagamutan, care institutions, o rehabilitation center

Ang pagkuha ng mga nurse sa bansa ay bahagi pa din ng proyektong “Triple Win”, isang government-to-government program ng Germany at POEA.

Batay sa datos ng ahensiya, pumalo na sa 800 Filipino nurse ang naipadala sa Germany simula noong 2013.

Para sa mga nais mag-apply, maaring ipasa ang resume at kalakip na requirements sa tanggapan ng POEA hanggang Marso 2.

(IMAGE FROM GETTY IMAGES)