World’s oldest couple, ipinagdiwang ang kanilang 80th wedding anniversary

115

AUSTIN, Texas – Nagdiwang ng kanilang 80th wedding anniversary ang tinaguriang world’s oldest couple kung saan isang community party ang inihanda para sa kanila sa Longhorn Village noong Disyembre 11.

Isang magarbong selebrasyon ang inihandog ng kanilang pamilya at mga kaibigan sa mag-asawang John at Charlotte Henderson.

Bukod sa mga inihandang pagkain ay isang slideshow na punong-puno ng retrato ng dalawa ang ipinalabas.

INNITY ADS

Sa kanilang 80th anniversary, isang bouquet ng bulaklak ang ibinigay ni John sa kanyang asawa.

Kwento ni Jason Free, pamangkin ng dalawa, espesyal ang pagsasama ng mag-asawa sa ilang taong pag-iibigan.




“They are a wonderful couple, and an example of a very happy couple — glad to be around each other, travel together, and live life,” aniya.

Ibinahagi naman ni Jim Bissett, kaibigan ng dalawa sa loob ng 10 taon na mapagmahal, magiliw at mabait ang mag-asawa.

“They’re just gracious, nice, kind people. They’re the salt of the earth,” saad niya.

Nagkakilala ang lovely couple sa University of Texas noong 1934 at nagpakasal noong 1939.

Isang football player noon si John at parati daw silang nag-uusap ng pamangkin tungkol dito tuwing family reunions.

Sa ngayon ay nananatiling malusog si John at Charlotte at sinasabing ang pamumuhay ng mahinahon at magaan ang sikreto ng magandang pagsasama.

Samantala, kinilala sa Guiness World’s of Record ang mag-asawa bilang world’s oldest couple nitong lamang Nobyembre.

Si John ay 106-anyos na samantalang ang asawang si Charlotte ay 105-anyos na ngayong taon.