Weird food challenge: Lalaki, kumain ng McDo meal na 14 buwan nakabaon sa lupa

1017
IMAGE: Screenshot via YouTube/BeeperBeef

Makabaliktad-sikmura ang hamon sa sarili ng isang lalaking kumain ng Big Mac meal ng McDonald’s na higit isang taon na mula nang ibaon niya sa lupa.

Kumpiyansa si Matt Nadin ng United Kingdom sa tibay ng kanyang sikmura sa pagkonsumo ng mga panis na pagkain, ngunit gusto niyang higitan pa ito sa “McDonald’s 365 challenge” na para sa kanyang ika-40 kaarawan.

Binili ng 40-anyos tatay ang Big Mac burger, fries, at chocolate milkshake noong pang Nobyembre 2018 bago ang ika-39 niyang kaarawan.

INNITY ADS

Inilagay niya ang mga pagkain sa isang tupperware at ibinaon sa bakuran ng kaibigang si Andy Thompson sa Barnsley, South Yorkshire.

IMAGE: Screenshot via YouTube/BeeperBeef

Dapat sana ay huhukayin nila ito noong Nobyembre nakaraang taon sa kaarawan ni Nadin, pero ngayon lamang daw sila nagkaroon ng oras, kaya naman 14 buwan nang nakabaon ang mga pagkain.




Bumalik ang magkaibigan sa McDo at doon kinain ni Nadin ang fries na inamag na, milkshake na tila putik, at burger na matigas na ang karne.

Mapapanood sa kanilang YouTube channel na “Beeper Beef” ang nakaduduwal na pagkain ni Nadin na tumagal nang 20 minuto.

IMAGE: Screenshot via YouTube/BeeperBeef
IMAGES: Screenshot via YouTube/BeeperBeef

Gayunaman, iginiit ni Nadin na hindi kasing sama ng inaasahan niya ang lasa ng ibinaong pagkain.

“The chips were horrendous, there was just no moisture in them at all. The burger actually wasn’t too bad. It was soggy underneath and the lettuce tasted gone off but the meat was just hard,” komento niya.

“The milkshake had gone kind of fizzy and tasted weirdly like a fruit smoothie,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya, marami na siyang natikmang kakaiba sa buong buhay niya at nasa kolehiyo pa lamang siya nang simulan ang mga kakaibang food challenge.

“I have never been sick though. For some reason my stomach just seems to handle it,” sabi niya.