VIRAL: Lola, halos mapatalon sa tuwa dahil sa nakuhang cash aid

3162

Pumukaw sa puso ng mga netizen ang reaksyon ng isang senior citizen sa General Santos City nang makuha ang tulong pinansyal galing sa pamahalaan.

Sa Facebook post ng DSWD XII, makikita ang larawan ni Veronica Piliton na halos mapatalon sa tuwa habang may hawak na P5,000.

Ito na raw kasi ang pinakamalaking perang natanggap niya sa buong buhay.

INNITY ADS

Kabilang ang 65 taong gulang na babae sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program sa naturang lungsod.

Pangangalakal ng bote, plastic, at bakal ang tanging  ikinabubuhay ni Lola Veronica at kaniyang mister na si Lolo Venancio, 68 anyos.




Ang mga nakokolektang recycable materials, naibebenta nila sa halagang P100.

Mula raw nang maipatupad ang enhanced community quarantine sa rehiyon, halos isang beses na lang daw silang kumakain sa bawat araw dahil natigil ang kanilang paghahanapbuhay.

Kaya naman agad bumili ng bigas, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailanan, na labis ang pasasalamat sa kagawawan.

Ang inspirational post ng DSWD-XII ay mayroon nang 3,000 reactions sa Facebook.