Vicky Belo, Scarlet Snow, naghandog ng tulong sa mga biktma ng Taal eruption

238
(Scarlet Snow Belo Instagram)

Nagbigay ng tulong ang kilalang si Dra. Vicky Belo at kanyang anak na si Scarlet Snow sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sa pahayag ng Philippine Red Cross (PRC), sinabi nitong nag-donate ng kalahating milyon ang mag-ina noong Miyerkules, Enero 15.

“Dra. Vicki Belo has always been so generous and supportive to the Red Cross,” ani PRC chairman Senator Richard Gordon.

INNITY ADS

Masaya raw si Gordon na makasama rin si Belo at ang kanyang anak.

“We hope Scarlet grows to have the humanitarian heart of her mother,” saad niya.




Ibinahagi ni Scarlet ang video ng kanilang pagbisita at pagbibigay ng tulong sa kanyang Instagram account.

Maalalang nasa libu-libong residente ang pinalikas partikular na sa Batangas dahil sa nagbabadyang pagsabog ng bulkan.