Toro na nagkamot ng puwet sa poste, nagdulot ng power outage sa 800 kabahayan

470
Photo by Hazel Laughton via BBC

Instant celebrity ang isang toro sa Scotland matapos nitong mapabagsak ang transformer sa poste ng kuryente na pinagkiskisan nito ng nangangati niyang puwet.

Ayon sa BBC News, 800 na mga bahay ang nawalan ng kuryente sa tatlong bayan sa South Lanarkshire nang dahil sa matinding pangangamot ng Limousin bull na si Ron.

Nangyari ang insidente noong Huwebes sa East Shawtonhill Farm, bandang 10 at 11 p.m.

INNITY ADS

Masuwerte namang nakaiwas ang 4-taon gulang na toro sa bumagsak na box at nakalayo sa 11,000 volt shock.

Photo by Hazel Laughton via BBC

Sa panayam ng BBC sa may-ari ng farm na si Hazel Laughton, Biyernes na ng umaga nang maibalik ang kuryente sa mga apektadong lugar.




“We got up around 6:00 and we saw a big generator sitting at the bottom of our road, all linked up to the poles. We thought that was a bit strange.

“We went up to feed our cows and it was my husband that noticed the transformer box had been knocked off the pole.

“We put two and two together and realised our bull had been scratching against the telegraph pole and he had knocked the box off the pole. All the wires were down in the field as well,” kuwento ng agricultural consultant.

Ayon pa kay Laughton, sinamahan pa sila ni Ron habang tinitingnan nilang mag-asawa ang pinsala.

“We were standing looking at it and the bull just sheepishly walked up to the fence. He just looked a bit stunned. I don’t think he really knew what had happened during the night,” aniya.

Habang inaayos ng engineers ang nasira, pinagaan na lang ni Laughton ang problemang dala ni Ron sa pamamagitan ng pagpo-post ng apology letter sa Facebook.

Saad sa post, β€œHe had an itchy bum so scratched it on the electricity pole and knocked the transformer off. They are always itchy when they go out.

“Ron weighs over a ton so he has been rubbing and pushing against this pole and just knocked it off. We have seen them shake the wires before when they do it but for the box to come off is completely new.”

Matapos ang insidente, plano ng amo na palitan ang pangalan ng toro ng “Sparky.”