TINGNAN: Taylor Swift, pinuri ang Pinoy fan na gumawa ng ‘folklore’-inspired cake

106
(@jpcleds Twitter)

Ipinahatid ng sikat na American singer-songwriter Taylor Swift ang kanyang paghanga at pagkamangha sa isang Pinoy fan na nag-bake ng sarili nitong folklore-inspired cake para sa singer.

Sa ibinahaging Twitter post ng netizen na si John Paul noong nakaraang Martes, makikita ang nakaguhit na imahe ng singer habang nakasulat ang “CONGRATS Taylor”.

Aniya sa post, “I made @taylorswift13 a cake to celebrate the success of #Folklore AND #cardigan.”

INNITY ADS

“I literally painted this using frosting for almost 2 hours
@taylornation13,” dagdag niya.

At hindi nauwi sa wala ang effort ni John Paul nang mapansin ng kanyang idolo ang ginawang cake matapos itong magkomento sa post.




Saad ng singer, “WOW this is incredible!! Thank you so much for making this. I also saw your instagram and your art is phenomenal!”

Ayon sa ulat, katuwang ng Pinoy fan ang kanyang kapatid na babae sa pag-bake ng naturang cake.

Sa Instagram ay ibinahagi rin nila ang cake para ibenta online.

Mababasa sa IG post ng baddiebakesph, “Congratulations @taylorswift for the success of your album!”

Dagdag sa post, “You too, can get your own minimalist painting cakes starting at the price of P1000 pesos only!”

Nito lamang Hulyo 24 nang ilabas ni Taylor ang kanyang surprise album na “folklore”.