Rider na bumili ng diaper para sa ina kaysa unahin ang gustong helmet, nakatanggap ng regalo

2766
(Photo from John Vincent Calleja Guiruela and Spyder Philippines Facebook)

Trending online ang larawan ng isang lalaki habang nakatingin sa mga helmet sa isang store sa Sm Legazpi sa Legazpi, Albay.

Sa ibinahaging post ni John Vincent Calleja Guiruela, makikita siyang nakatanaw mula sa labas ng Spyder store habang bitbit ang ilang bags ng diaper.

"Priorities"

Posted by John Vincent Calleja Guiruela on Sunday, November 17, 2019

Sabi niya sa kanyang caption, “Priorities”, na agad na nag-viral online.

Dito napag-alaman na ang dala-dalang diapers ni Guiruela ay para sa kanyang bedridden na ina.

Dahil marami ang humanga sa ginawa ng lalaki, may ilang netizens ang gustong tumulong para mabili niya ang gustong helmet.

Samantala, nakarating sa Spyder Philippines ang naturang post kung saan nabasa nila ang komento ng mga netizens.

Nagpasya ang store na imbitahan si Guiruela pabalik para handugan ng isang helmet ng libre.

Ibinahagi rin ng Spyder Philippines sa kanilang Facebook page ang buong kwento ni Guiruela.

Posted by Spyder Philippines on Thursday, November 21, 2019

Ayon sa kanilang post, “According to him, he really would want to get a new helmet for himself; but he has a bedridden mother due to stroke from 2004 and an amputated leg from diabetes. John Vincent works in Manila but had to go back to Bicol to take care of her, specially now that she has a non healing wound on the other leg.”

Dito raw nila naisip na bigyan ng regalong helmet ang lalaki dahil umano sa ipinakita nitong sakripisyo at pagmamahal sa nanay.

“We salute this guy for his daily sacrifice and unconditional love for his mother. We are truly inspired by his story and humility,” dagdag nila.

Marami naman nag nagbigay ng reaksyon at nagpaabot ng paghanga sa ginawa ni Guiruela.

Umani rin ng papuri ang Spyder Philippines sa ginawang maagang pamasko para sa lalaki.

Umabot naman sa 7.5K likes at 1.8K shares ang naturang post sa Facebook.