TINGNAN: Pinay, nakasungkit ng role sa isang Korean drama series

3615
Cherish Maningat with Korean model and actress Lee Sung Kyung. Photo via IG

Isang Filipina ang napabilang sa second season ng Korean drama na “Dr. Romantic” na pinagbibidahan ng sikat na modelo at aktres na si Lee Sung Kyung.

Bukod sa nakasungkit ng role, nagkaroon din ng pagkakataon si Cherish Maningat na makausap ng masinsinan ang Korean actress.

Sa post ng Pinay sa kanyang Instagram noong Enero 22, ibinahagi niya kung gaano kabait at mapagkumbaba ni Lee.

INNITY ADS

View this post on Instagram

I have never met a star as down to earth, kind and as caring as her. This was taken during our first day of shooting. While on stand by, I had a long talk with Korean actress Lee Sung Kyung 이성경. I was going through something that time. She said "I will pray for you. And I'm not just saying that. They're not empty words. I AM REALLY GOING TO PRAY FOR YOU." And she shared to us her life verse: "Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see." – Hebrews 11:1 – Thank you so much @heybiblee for all the encouraging words. For praying for and with me. For showing real concern. I am praying for you too. Let your light shine always! ❤

A post shared by 체리쉬 마닝앗 Cherish Maningat (@cherish_unni) on

“I have never met a star as down to earth, kind and as caring as her,” pambungad niya sa caption ng litrato nilang magkasama sa unang araw ng shooting.




Ikinuwento ni Maningat na noong sinabi niya kay Lee ang kanyang pinagdaraanang problema, sinabi ng aktres na sinsero ipagdarasal niya ang Pinay.

“Thank you so much @heybiblee for all the encouraging words. For praying for and with me. For showing real concern. I am praying for you too. Let your light shine always,” mensahe ni Maningat.

Nag-post din ang Pinay ng litrato niya sa harap ng Doldam Hospital kung saan kinukuhanan ang serye.

Gaganap si Maningat bilang pasyenteng biktima ng domestic violence.