TINGNAN: Pantapal-sugat ng mga bagong operang bata, ginuguhitan ng ‘cartoon’ ng isang doktor

247
(Picture: Akron Children’s Hospital)

Imbis na katakot-takot na sugat ang tatambad sa mga batang sumalang sa operasyon, cute at nakakatuwang mga cartoon character ang bubungad sa kanila sa isang ospital sa Ohio, USA.

Para sa isang pediatric surgeon, Dr. Robert Parry ng Akron Children’s Hospital, nais niyang siguruhin na hindi lang sugat ang makikita at maalala ng mga batang pasyente pagkatapos ng isang operasyon.

Nais ni Dr. Parry na masurpresa ang mga ito sa mga guhit-kamay na cartoon character o anumang hilig nila.

INNITY ADS

Sa loob ng siyam na taong pamamalagi sa naturang ospital at sa mahigit 10,000 operasyong ginawa, nakagawian na niyang gumuhit ng mga karakter gaya ni Olaf ng Frozen, Snoopy, Batman at iba pang kinagigiliwan ng mga bata.

Naglalaan ng halos limang minuto si Dr. Parry sa pagguhit ng mga obra na talaga nga namang nagbibigay ng malaking pagbabago sa mga bata.




Ibinahagi ng isang ina na si Samantha Manning na nakakapagbigay-lakas ang trademark ng nasabing doktor.

Idinala niya raw noong 2014 ang kanyang 11-buwang-gulang na anak sa ospital para sa liver operation at matapos nito ay gumuhit ng isang rose garden si Dr. Parry sa ipinatapal sa sugat ng bata.

“We were really moved by it. The rose garden was symbolic of our larger experience with Dr. Parry and the hospital overall, taking the extra step to do those small, little gestures. It shows how much they care and really lifted our spirits,” aniya.